Remulla kinumpirma: Sen. Imee Marcos naghain ng oposisyon sa kaniyang Ombudsman bid

Remulla kinumpirma: Sen. Imee Marcos naghain ng oposisyon sa kaniyang Ombudsman bid

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naghain ng oposisyon si Sen. Imee Marcos upang harangin ang kanyang Ombudsman bid.

Matatandaan na criminal at administrative complaints ang inihain ni Sen. Marcos laban kay Remulla kaugnay ng umano’y iligal na pag-aresto at pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands.

Sa Judicial and Bar Council (JBC) interview, naging isyu ang kawalan ni Remulla ng Ombudsman clearance.

Umaasa siya na bago ang deadline ay makapagsumite na siya nito, dahil kung hindi ay hindi siya makakasama sa shortlist na ipapadala sa Malacañang.

Naghain na rin ng motion for early resolution si Remulla para agad maresolba ang mga reklamong isinampa laban sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble