Responsableng pamamahayag at kapayapaan sa mundo, ipinanawagan

Responsableng pamamahayag at kapayapaan sa mundo, ipinanawagan

IPINANAWAGAN ang responsableng pamamahayag at kapayapaan sa mundo.

Sa Global Peace Media Forum na ginanap araw ng Martes sa Maynila na pinangunahan ng Global Peace Foundation, sinabi ng mga world peace advocate na malaki ang gampanin at impluwensiya ng media para magkaroon ng world peace.

May kapangyarihan anila ang media na maibuklod ang mga tao sa bawat kuwento o kanilang salita at balita na inihahatid sa mga manonood.

Maari din maging daan ng pagkasira ang media kung ang kanilang kapangyarihan ay hindi gagamitin sa tama.

Panawagan nila na bilang tagapaghatid ng impormasyon, ang media dapat ay issue based, may moral at integridad, walang bias at hindi instrumento ng disinformation.

Ang media ay dapat maging guardian of truth.

Maliban dito, ipinunto pa ni United Press International Vice Chairman Young Jun Kim, na dapat pangunahan ng media ang laban kontra ilegal na droga at pornography.

Dapat aniya maging konsensiya ng sosyedad ang media.

Ipinunto naman ni Dr. Nona Saldana-Ricafort ang lead convenor ng Global Peace Media Forum ang kahalagahan ng responsible journalism.

Kaya aniya mahalaga ang naturang forum ay para maikintal sa publiko ang kahalagan ng tamang pagbabalita at ang pagkakaroon ng kapayapaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble