TULOY na ang pinakamalaking nationwide caravan ng mga supporters nina presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos (BBM) at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Sa eksklusibong panayam kay Mayor Inday Sara Movement National Convenor Col Dominador Lim, ngayong darating na Disyembre 10, 2021 isasagawa ang nasabing malaking aktibidad.
Tatawagin itong Salubungan ng Tigre ng Norte at Agila ng Davao at magtatagpo sa Philippine Capital sa Maynila.
Ibig sabihin inaasahan ang pagdalo ng mga supporters ng dalawang kandidato mula sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan.
Mahigit sa isang milyong katao na pawang miyembro ng iba’t ibang alyansa para kina Bongbong Marcos at Mayor Inday ang inaasahan na lalahok sa programa.
Samantala, bagama’t ikinagulat ng grupo ang mismong naging pasya ni PDP Laban Party presidential aspirant Senator Christopher Bong Go sa pag-atras nito sa May 2022 elections, nirirespeto nila ang desisyong ito habang tuloy naman ang kanilang pagsuporta para kina BBM at Inday Sara.
BASAHIN: Malapit na kaalyado ni BBM, pinuri ang pag-atras ni Sen. Bong Go sa presidential race