Bandang 10:47 ng gabi noong March 20, 2026 ay nagsagawa ng joint anti-drug operation ang PDEA-Caraga kasama ang taga-barangay sa Poblacion, Tagbina, Surigao del Sur.
Ang target ng operasyon—isang school principal sa nasabing lugar.
Ayon sa mga otoridad, bago isinagawa ang operasyon, matagal nang nasa surveillance ng iba’t ibang operatiba ang naturang guro.
Dito nakumpirma na sangkot ito sa iligal na gawain sa kanilang lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng suspected shabu.
Tinatayang aabot sa halos pitong libong piso ang halaga nito.
Narekober din ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Binigyang-diin ng mga otoridad na ang pagkakahuli ng isang may posisyon sa sektor ng edukasyon ay seryosong banta sa tiwala ng publiko, lalo na sa kabataan.
Ayon kay PDEA Dir. Laurefel Gabales, regional director ng PDEA Regional Office 3, hindi maaaring gamitin ang posisyon at otoridad ng isang opisyal para suwayin ang batas o ilagay sa kapahamakan ang komunidad.
“This development highlights the importance of vigilance and accountability in public service. Positions of authority must never be used to undermine the law or endanger the community,” ayon kay Dir. Laurefel Gabales, PDEA RO 3.
The suspect was properly apprised of his constitutional rights during and after the arrest.”
Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagbina MPS ang suspek.
Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.
Nangako naman ang PDEA na palalakasin pa nila ang kampanya laban sa iligal na droga, partikular ang pagtugis sa high-value individuals na nagdudulot ng panganib sa mga komunidad.
