Sen. Erwin Tulfo sasagutin ang kaso laban sa kaniyang citizenship

Sen. Erwin Tulfo sasagutin ang kaso laban sa kaniyang citizenship

Handang harapin ni Sen. Erwin Tulfo ang quo warranto case na isinampa laban sa kaniya sa Senate Electoral Tribunal.

Ayon kay Tulfo, alam na niyang may nakabinbing kaso at handa siyang sagutin ito.

Sinabi rin niyang hindi na siya nagulat dahil ang nagsampa ay si Berteni Cataluna Causing.

Si Causing ay isang dating abogado na na-disbar ng Korte Suprema at dati nang nagsampa ng mga disqualification case laban sa kaniya na pawang dismissed na.

Batay sa rekord, isinampa ni Causing ang kaso noong Hulyo 15, 2025.

Inihain ito ni Causing dahil sa alegasyon ng kawalan ng kwalipikasyon ni Tulfo na maupo bilang senador bunga ng isyu sa kaniyang citizenship.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble