Isinugod sa ospital si Sen. Jinggoy Estrada matapos maaksidente sa loob ng Quezon City Jail nitong Miyerkules.
Ayon sa kampo ni Estrada, naghahanda sana ang senador para sa isang X-ray sa Cardinal Santos Medical Center nang madulas sa banyo at maramdaman ang pag-“snap” ng kaniyang kaliwang tuhod.
Dahil dito, nakaranas umano si Estrada ng matinding pananakit sa tuhod at posibleng may kaugnayan din ang insidente sa kaniyang osteoarthritis.
Ayon sa jail personnel, nakakaranas na umano ng problema sa tuhod si Estrada habang nasa corridor.
Pinayagan naman ng Sandiganbayan si Estrada na lumabas ng detention facility para sa kaniyang medical procedures sa ospital.
