Sen. Jinggoy Estrada hindi nadulas sa banyo; tuhod ang biglang nag-snap—BJMP

Sen. Jinggoy Estrada hindi nadulas sa banyo; tuhod ang biglang nag-snap—BJMP

Itinanggi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nadulas sa banyo si Sen. Jinggoy Estrada bago ang kaniyang medical appointment.

Ayon kay BJMP Spokesperson Supt. Jayrex Bustinera, naglalakad palabas ng kaniyang selda si Estrada nang mangyari ang pag-snap ng kaniyang tuhod.

Naganap ito noong Agosto 26 habang patungo sana si Estrada sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa matinding sakit sa tuhod.

Ayon sa orthopedic physician ng senador, napunit ang meniscus ng kaniyang tuhod matapos umanong mapilipit ito habang tumatayo mula sa pagkakaupo.

Nakita sa X-ray na complete tear ang meniscus, na maaaring mangailangan ng operasyon, depende sa desisyon ng pasyente.

Matatandaan na unang nabalita na nadulas si Estrada habang naliligo sa New Quezon City Jail na naging dahilan umano para mag-snap ang tuhod nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter