Sen. Tulfo hinamon ang NIA chief na magbitiw sa puwesto

Sen. Tulfo hinamon ang NIA chief na magbitiw sa puwesto

Hinamon ni Senator Raffy Tulfo ang administrator ng National Irrigation Administration (NIA) na si Eduardo Guillen na magbitiw na sa puwesto.

Ito ay kung mapapatunayan na may depekto pa rin ang mga irrigation projects kahit na naayos na matapos tamaan ng mga bagyo.

Sa Senate debate sa panukalang P54.79B budget ng NIA para sa 2026, tinanong ni Tulfo kung bakit madaling masira ang ilang proyekto sa bagyo dahil dapat kayang tiisin ng mga proyekto ang malalakas na kalamidad.

Binigyang-diin niya ang Bulo Small Reservoir Irrigation System sa Bulacan, na nasira ng Typhoon Karding noong 2023.

Ayon sa kaniya, kahit na natapos ang proyekto noong 2022, hanggang 2025 ay may bitak, butas at tumatagas na tubig sa mga kanal.

Ani Tulfo, mukhang plastered at pininturahan lang ang sira para magmukhang maayos.

Dahil dito, tinanggap naman ni Guillen ang hamon ni Tulfo ngunit pupunta muna ito sa site at kung may depekto talaga, handa siyang magbitiw.

Samantala, hinimok naman ni Sen. Erwin Tulfo ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang umano’y korupsyon sa Bureau of Internal Revenue. Lalo na ang misuse ng letter of authority (LOA) na sinasabing ginagawang “money-making scheme” ng ilang examiner.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble