AKTIBO na ang mga shelter cluster ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa North at Central Luzon.
Bilang paghahanda ito sa posibleng pinsala ng Super Typhoon ‘Nando’ at Habagat.
Sa naturang hakbang ay matitiyak na agad makararating ang tulong sa mga pamilyang maapektuhan ng bagyo.
Ang shelter cluster ay bahagi ng disaster response system ng gobyerno.
Maliban sa pansamantalang tirahan, makikita rin dito ang housing materials, cash assistance, ibang essentials gaya ng kumot at hygiene kits, at technical support.
