Sitwasyon sa Negros Oriental para sa BSKE, nanatiling maayos at tahimik— COMELEC

Sitwasyon sa Negros Oriental para sa BSKE, nanatiling maayos at tahimik— COMELEC

NANATILING maayos at tahimik ngayon ang sitwasyon ng Negros Oriental isang buwan bago ang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon Kay Commission on Elections (COMELEC) spokesperson Atty. Rex Laudiangco, ito ang isa sa dahilan kung bakit minarapat ng komisyon na ituloy ang BSKE sa Negros Oriental.

Tiniyak din nito na hindi maapektuhan ang pamumuhay ng mga residente nito kahit pa isinailalim sa COMELEC control ang buong lalawigan.

Aniya ang mga karagdagang pulis na ide-deploy sa lugar ay para matiyak na hindi magkakaroon ng gulo at pang-aabuso ang mga local official doon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter