SO sa pag-aangkat ng 150K MT ng asukal, posibleng ilabas sa katapusan ng buwan—DA

SO sa pag-aangkat ng 150K MT ng asukal, posibleng ilabas sa katapusan ng buwan—DA

NAKATAKDA nang ilabas ng Department of Agriculture (DA) ang panibagong sugar order (SO) sa pag-aangkat ng libu-libong metriko tonelada ng asukal.

Inihayag ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na naging matagumpay ang naging pagpupulong ng ahensiya kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. umaga ng Martes na layong isapinal ang pinaplanong importasyon sa asukal.

Ayon kay Panganiban, pinal na ang 150,000 metriko tonelada ng asukal na aangkatin ng ahensiya na tutugon para mapababa ang pagsipa ng presyo ngayon.

Posibleng mailabas ang sugar order para sa pag-aangkat ng asukal  bago matapos ang buwan ng Mayo.

Sa oras mailabas ang SO, inaasahang darating ito sa bansa bago ang buwan ng Setyembre.

Bubuksan din ang importasyon sa mga lehitimong importers na nakasunod sa kwalipikasyon ng SRA.

Sa pagtataya ni Domingo, inaasahan na nasa 30 – 40 ang mag-aapply na trader para sa sugar importation.

Una nang sinabi ng SRA na pupunuan ng importasyon ang posibleng maging kakulangan sa buffer stock ng asukal sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter