South Korea, may alok na 100 slots para sa nais magtrabaho bilang caregivers

South Korea, may alok na 100 slots para sa nais magtrabaho bilang caregivers

MAYROONG inaalok ang South Korea na 100 slots para sa nais magtrabaho bilang caregivers sa kanilang bansa.

Sa pahayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Asec. Levinson Alcantara, nagsimula na alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon nitong Mayo 9 ang dalawang araw na online registration sa kanilang website para dito.

Kung makukumpleto na ang 100 slots ay sasailalim ang mga aplikante sa computer-based language test, skills assessment, at interview.

Ang matatanggap sa trabaho ay magkakaroon ng buwanang sahod na nagkakahalaga ng P49,300.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble]