SPM, SMNI PAARU at Keepers Club International, nagkaisa sa isang tree planting activity

SPM, SMNI PAARU at Keepers Club International, nagkaisa sa isang tree planting activity

DAAN-daang mga volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM), Keepers Club Int’l at SMNI PAARU ang nakiisa sa isinagawang tree planting activity sa Barangay Tamayong, Davao City.

Sa paglipas ng mga taon, nagpapatuloy ang adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pangangalaga ng ating Inang Kalikasan.

Kaya naman, daan-daang mga volunteers na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Davao Region ang lumahok sa tree planting activity at clean up drive.

Lubos ang pasasalamat ng mga volunteers ng Sonshine Philippines Movement sa pagkakataong ibinigay sa kanila para makiisa sa nasabing aktibidad.

“Isa rin ako sa nakibahagi para sa pagpapanumbalik ng mga kabundukan sa pamamagitan ng programa ng Pinili na Anak na si Pastor Apollo C. Quiboloy,” pahayag ni Maribet Bello, SPM volunteer.

“Nandito kami ngayon sa Glory Mountain kung saan ginaganap po ang bayanihan, ito ‘yong tinatawag naming tree planting and restoring our mountain here in the Glory Mountain, Brgy. Tamayong. So, gusto ko pong magpasalamat sa’yo Pastor, sa pagbigay po sa amin ng pribilehiyo na makasama po, maging isang participants po dito,” ayon naman kay Lovelyn Isonga, SPM volunteer.

Samantala, umabot sa isang libong seedlings ng red lawaan ang naitanim ng mga volunteers.

“So, sa araw na ito, tayo po ay nakapagtanim ng isang libong seedlings ng red lawaan. So napakagandang proyekto ito ng ating pinakamamahal na Pastor dahil para maiwasan ang soil erosion, at para sa ganon mapalawak pa ang pangangalaga ng bawat bundok especially dito sa Davao,” ayon kay John Paul Mangalos, SMNI PAARU.

“Kami po na mga representative at mga personnel ng SMNI PAARU Class 02-2022 Military Orientation Training ay nagpapasalamat sapagkat ito ay malaking pagpapala sa bawat isa sa amin sapagkat naging kabahagi nga kami ng restoration ng ating environment sapagkat ito nga ‘yong adbokasiya ng ating pinakamamahal na Pastor,” saad naman ni Fredie Agbon, SMNI PAARU.

“Pastor, salamat po naging bahagi po kami sa advocacy mo na upang pangalagaan po natin ang ating kalikasan. Salamat po Pastor sa pagkakataong ito,” wika ni Nyle de Gracia, SMNI PAARU.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa founding president ng SPM ang mga volunteers ng SMNI.

“Pastor, kami ay nagpapasalamat sa iyo dahil kung wala ka, wala kami dito, Pastor, na naging kaisa sa pagpapanumbalik ng Inang Kalikasan,” ayon kay Richard Diansay, SPM volunteer.

BASAHIN: SPM at Keeper’s Club Int’l Pangasinan Chapter matagumpay na nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Lingayen gulf

Follow SMNI NEWS in Twitter