SA pagpapatuloy ng inisyatibo ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy na ‘One Tree One Nation’, Nationwide Tree Planting Activity, muling nagbalik ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) kasama ang mga grupo at organisasyon sa Brgy. Datu Salumay, Marilog District, Davao City upang magtanim ng daan-daang Iron Bamboo at Narra Tree.
Hindi pa man sumisikat si Haring Araw, gising na gising at handang-handa at very excited na ang mga volunteer sa kanilang gagawing pagtatanim.
Hindi inda ang mahabang biyahe, at hindi magandang daan, makagawa lang ng kabutihan sa kalikasan.
Ito ang nasa puso at isipan ng bawat volunteers na tumugon sa tawag ng pagkakaisa at bayanihan ni Pastor Apollo para sa ating bansa.
Ang kawayan ay potensiyal na panghaliling pananim para sa pagpigil sa pagkasira at pagguho ng lupa.
Ang mga ugat ng kawayan ay mahusay sumipsip ng tubig at gawing mas siksik ang lupa upang mabawasan ang pagguho nito.
Sa loob ng halos 20 taon, daan-daang libong puno na ang naitanim ng mga volunteer ng SPM sa mga kalbong kagubatan sa bansa.
Konkretong halimbawa rito ang ginawa ni Senator Aspirant Pastor Apollo sa Glory Mountain kung saan ang dating kalbong bundok, ngayon napapalibutan ito ng libu-libong pine trees.
Maliban sa pine trees, makikita rin ang malawak na plantasyon ng iba’t ibang uri ng bulaklak.
Bukod sa Glory Mountain, maituturing ding Exhibit A ni Pastor Apollo ang ginawa nito sa Covenant Mountain Paradise Garden of Eden Restored na talaga namang world class ang dating ng mga gusali at landscaping at para kang nakatira sa paraiso.
Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ng mga volunteer kay Pastor Apollo na tinuruan sila kung paano pangalagaan ang kalikasan at isa na rito ang tree planting at tree growing.
Ang ‘One Tree One Nation’ Nationwide Tree Planting Activity na inisyatibo ni Pastor Apollo ay isang simpleng hakbang ngunit malaking tulong sa hinaharap. Kaya naman makiisa at makilahok. Gawin ang tama para sa Diyos at Pilipinas natin mahal.
Matatandaang nito lamang Nobyembre 16 ay isinagawa rin ang tree planting activity sa Brgy. Salumay kung saan libu-libong narra at mahogany ang itinamin ng mga volunteer ng SPM.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal