SPM volunteers, nagsagawa ng Cleanliness Drive sa Noveleta, Cavite

SPM volunteers, nagsagawa ng Cleanliness Drive sa Noveleta, Cavite

BITBIT ang kanilang mga walis, sako, at iba pang kagamitang panglinis ay handa na ang daan-daang volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) para sa gagawing “Kalinisan: Tatag ng Bayan” cleanliness drive sa Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite City.

Sumama rin sa naturang aktibidad ang mga senior citizen, mga kabataan sa Keepers Club International, mga residente at opisyal ng barangay.

Ang nasabing programa ay inisyatibo ni Senatorial Aspirant at KOJC leader, Pastor Apollo C. Quiboloy simula pa noong 2005.

Matatandaan, isa ang Noveleta sa Cavite City ang matinding napinsala ng nagdaang Bagyong Kristine kung saan tambak ang mga basura na naging dahilan ng pagbara ng mga kanal, estero, at ilog.

#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble