Swab test ang multa, ito ang ipinanukalang parusa ni Mayor Toby Tiangco imbes na pagbayarin ng multa ang sinumang constituents nyang mahuhuling lumabag sa protocol ng pagsusuot ng face mask.
Paliwanag pa ng alkalde, parte ang panukalang ito ng contingency plans ng lokal na pamahalaan ng Navotas upang solusyunan ang pagdami ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.
“We value the lives of each of our constituents. We will do whatever it takes to bring down the COVID-19 cases, no matter what it costs, as long as kaya namin” – ayon kay Mayor Tiangco.
Nilinaw din ng alkalde na kung lalabag sa pangalawang pagkakataon, multa na ipapataw na parusa sa mahuhuling indibidwal.