UN Security Council, nanawagan sa Houthi rebels na itigil na ang pag-atake sa kanilang mga vessels

UN Security Council, nanawagan sa Houthi rebels na itigil na ang pag-atake sa kanilang mga vessels

IPINANANAWAGAN ng mga miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) sa Houthi rebels ng Yemen na itigil na ang pag-atake sa lahat ng mga barkong naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden.

Ilegal ayon sa UN ang ginagawa ng mga ito at nagiging sanhi para magkaroon ng banta ang regional stability, freedom of navigation, at maging ang global food supply.

Maliban dito, ipinanawagan din ng UN sa Houthi rebels ang pagpapalaya sa lahat ng crew maging ang paglisan nila mula sa na-hijack na barkong Galaxy Leader noong Nobyembre 2023.

Kaugnay rito, ilang oras bago ang pagpupulong ng UN Security Council, nagbabala ang Estados Unidos at 12 iba pang mga bansa sa Houthi rebels sa posibleng consequences kung ipagpapatuloy ang nasabing mga gawain.

Ang Houthi rebels ng Yemen ay nakikisimpatiya sa Hamas militant group ng Palestine simula nang mag-umpisa ang digmaan nito sa pagitan ng Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble