KINUWESTIYON ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung totoong journalist ba ang isa sa mga founder ng nagpapakilalang fact-checker ng Pilipinas—ang Vera Files.
Ito’y kasunod sa inilabas na dokumento ng America First Legal (AFL), isang non-profit organization na binubuo ng mga abogado at dating politiko sa Estados Unidos, kung saan tinukoy ang 11 journalists ang nagpapalakat ng propaganda para sa interes ng Amerika.
Pagbunyag ng isang legal group sa U.S. sa mga tinaguriang ‘fact-checker’, pinuna ni dating Pangulong Duterte
At kabilang nga rito si Ellen Tordesillas na isa sa mga founder ng Vera Files.
Ayon kay Duterte, totoong puro propaganda lang ang bitbit ng Vera Files at nagtratrabaho para sa mga Amerikano.
“Ikaw, Ellen Tordesillas, I would like to ask you, totoong journalist ka ba talaga? O talagang bayad ka, all your life? It has always been a paycheck for you from somebody else’s pocket. Makarunong kayo, mga Vera Files, Vera Files. Ba’t sino bang napatanggal ninyo sa Vera Files ninyo sa gobyerno? Was there an impeachment, was there anybody dismissed from office because of the Vera File? Wala, pantakot kayo, you know, I would suspect and I would give this idea e total pareho man tayo freedom of speech, kayo sa media. E ako dito ngayon, hindi na ako presidente kaya puwede na ako magsagot. How are you a true blue, full-blooded journalist?” ayon kay FPRRD.
Ani pa ni Duterte, kailanman ay walang isinulat si Tordesillas na positibo para sa bansa.
“Akala mo that she is really pro-Filipino. E’ pera-pera nga mga mukha nito, susmaryosep. Kung magsalita akala mo kung sino, pati ‘yung basura na hindi totoo.”
“Yung mga files, files mo puro propaganda. Wala ka namang get to be mouthing American interest and foreign interest. You never really for the country. You never wrote anything about our country, a positive article about our country. You’ve always been criticizing our country and our [representative] a respective of whether or not, they are really cling or not,” ani Duterte.
Tunay na layunin ng mga umano’y fact checkers, binigyang-diin ni dating Pangulong Duterte
Samantala, ayon sa AFL, ang listahan ng mamamahayag na umano’y fact checkers ay huwad dahil ang mga ito ay mga aktibista na may kaugnayan sa Poynter Network, isang international fact-checking network na inilunsad noong 2015 sa Florida, U.S.A.
Matapos na magkaroon ng credential mula sa nasabing network, ang mga mamamahayag na ito ay nagkakaroon ng lehitimong pagkakakilalan.
Inilunsad ang organisasyon taong 2021 upang hamunin ang mga polisiya ng administrasyon ni Biden sa korte.