PINAYAGAN na ng korte ang aktor at TV host na si Vhong Navarro na makapaghain ng piyansa.
Ito ay ayon sa kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga.
Itinakda naman ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Judge Loralie Datahan ang piyansa ni Navarro sa P1 milyon.
Si Navarro ay kasalukuyang nakadetine sa Taguig City Jail dahil sa kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.