VP Duterte, ipinagdiwang ang ”National Teacher’s Month” sa pagtatanim ng puno sa Bohol

VP Duterte, ipinagdiwang ang ”National Teacher’s Month” sa pagtatanim ng puno sa Bohol

IPINAGDIWANG ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang “Pambansang Buwan ng mga Guro” sa pamamagitan ng tree planting activity sa Taloto Elementary School sa Tagbilaran City, Bohol ngayong araw, Setyembre 5, 2023.

Kasama sa tree planting ang presidential sister na si Sen. Imee Marcos, mga representatives ng Metrobank Foundation at iba pang partner ng DepEd.

Pahayag ni VP Sara Duterte, ang pagtatanim ng puno ay isang paalala sa mahahalagang gampanin ng mga guro sa mga kabataan at sa kaunlaran ng bansa.

Ang National Teachers’ Month ay pagkilala sa mga guro at educators at ang kanilang mga mahalagang kontribusyon sa paghubog sa mga estudyante para sa kinabukasan ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble