Warehouses sa Bulacan na nahuling nagpupuslit ng mga bigas, pinayagan na muling makag-operate

Warehouses sa Bulacan na nahuling nagpupuslit ng mga bigas, pinayagan na muling makag-operate

PINAPAYAGAN ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na maipagpatuloy ang operasyon ng siyam na warehouses sa Bulacan na nahuling nagpupuslit ng bigas.

Sa kanilang paliwanag, ito’y para matiyak na magkaroon pa rin ng stable na suplay ng bigas sa bansa.

Ngunit sisiguraduhin nila ayon sa BOC na mahigpit na imomonitor ang warehouses.

Binigyang-diin naman ng BOC na inaantay pa nila ang paliwanag ng mga warehouse hinggil sa kanilang importasyon sa lalong madaling panahon.

Ang tinutukoy na warehouses ay ang siyam na ni-raid noong Disyembre 16 sa Bocaue at Balagtas, Bulacan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble