Water interruption, asahan sa Metro Manila, Rizal, at Cavite ngayong linggo

Water interruption, asahan sa Metro Manila, Rizal, at Cavite ngayong linggo

Makararanas ng water interruption ang ilang lugar sa Metro Manila, Rizal, at Cavite ngayong linggo dahil sa maintenance works ng Manila Water at Maynilad.

Sa Manila Water service areas, maaapektuhan ang ilang bahagi ng Marikina, Quezon City, Antipolo, Baras, Cainta, at Taytay mula ngayong Lunes, Nobyembre 23 hanggang Biyernes, Nobyembre 27, depende sa lugar at iskedyul ng maintenance.

Kabilang sa mga gagawing trabaho ang leak detection, valve replacement, installation at pagpapalit ng water meters, at iba pang maintenance activities.

Samantala, ilang lugar sa Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Navotas, Malabon, at Pasay ang mawawalan din ng tubig sa ilalim ng Maynilad service areas mula ngayong araw hanggang Sabado, Nobyembre 23 hanggang 28.

Maaapektuhan din ang ilang bahagi ng Parañaque sa Miyerkules at Huwebes, Nobyembre 25 hanggang 26, dahil sa leak localization activities.

Sa Imus City, Cavite naman, inaasahang makakaranas ng water interruption ang maraming barangay mula Nobyembre 23 hanggang 30, bunsod ng network at facility limitations ng Patindig Araw Pumping Station.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang nakatakdang interruption.

Follow SMNI NEWS in Twitter