Zero budget ng PhilHealth noong isang taon, dapat i-refund sa taumbayan ayon sa isang mambabatas!

Zero budget ng PhilHealth noong isang taon, dapat i-refund sa taumbayan ayon sa isang mambabatas!

“Ibalik nang buo at i-refund kung dapat i-refund.”

Ito ang mariing panawagan ni senate committee on health vice chairman Senator Bong Go, kasunod ng diskusyon ngayong Martes sa sesyon ng Senado.

Tungkol ito sa di umano’y kulang na kulang na pondo ng Philhealth para sa medical assistance para sa mga Pilipino.

Ayon kay Senador Go, “double whammy” o doble parusa ang tinanggap ng mga pasyente noong isang taon dahil sa zero budget ng Philhealth para sa 2025, na sinabayan pang 60-billion pesos excess funds na binawi ng national government, at ibinalik sa national treasury.

Dati nang tinawag ni Senator Bong Go na “imoral” ang pagbawi sa excess funds ng Philhealth.

Iniutos naman ng Supreme Court na ibalik ito dahil sa pagiging unconstitutional.

Pero tanong ngayon ni Senator Bong Go — paano naman ang zero budget noong 2025?

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble