PDEA pinasara ang isang drug den sa Mabalacat, Pampanga

PDEA pinasara ang isang drug den sa Mabalacat, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den at inaresto ang apat na indibidwal kabilang ang operator ng den kasunod ng buy-bust operation sa Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat, Pampanga nitong Miyerkules ng gabi, Abril 24.

Kinilala ng PDEA team leader ang mga nahuli na suspek na sina:

  1. Oliver Ventura y Laxamana, 43 years old, married, residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga;
  2. Mark Anthony Ventura, 38, residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga;
  3. Rovilma Manlapaz at Truadio Vilma, 46 taong gulang, residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga; at
  4. Rosetth Dimarucut, 28 years old, residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga.

Sinabi ng team leader na target ng operasyon ang drug den maintainer na si Oliver Ventura, na tatlong linggo nang naka-surveillance kasunod ng mga ulat mula sa isang confidential informant.

May kabuuang walong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng mahigit kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P103,500-K; sari-saring mga gamit sa droga;  at buy-bust money ang narekober sa isinagawang operasyon.

Ang operasyon ay isinagawa ng Aurora at Pampanga Provincial Offices.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble