PANGULONG Ferdinand E. Marcos Jr. ipagpatuloy ang legasiya ng ama 106th Birth Anniversary ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ipinagdiwang.
Bilang pag-alala sa buhay ng kaniyang ama at dating Pangulong Marcos Sr., kasama si PBBM sa pagdiriwang ng Marcos Day sa Ilocos Norte ngayong araw.
“It’s with very grateful and a joyful heart that we commemorate Apo Lakay, my father—President Ferdinand Edralin Marcos—on his 106th birthday,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Marcos sa monumento ng kaniyang ama na si Ferdinand E. Marcos Sr., bilang paggunita sa ika-106 na anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulo.
Ginanap ito sa Marcos Monument sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte nitong Lunes, Setyembre 11, 2023.
Kaugnay rito, inihayag ni Pangulong Marcos sa kaniyang official Facebook page na tiniyak nitong ipagpapatuloy niya ang mayamang pamana ng kaniyang ama sa Pilipinas at sa sambayanang Pilipino.
“Your legacy lives on, and for as long as I’m here, I will use everything I learned from you to continue your work,” saad ni Pangulong Marcos.
Sa kaniyang talumpati naman, ipinaabot ng Punong Ehekutibo ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng naglaan ng oras upang magdiwang kasama nila bilang pagbibigay pugay sa pamana ng kaniyang ama.
Partikular aniya ang kapayapaan at kaayusan na ipinaglaban at pinaninindigan nito, maging ang pag-unlad na kaniyang iniwan sa sambayanang Pilipino.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang kaniyang ama ay tunay na Pilipino at isang Ilocano icon.
“For the peace and order that he fought and stood for, the development that he inspired our own citizens to build, and the dreams that he left in the hearts of many, he remains a true Filipino and Ilocano icon whose exceptional mind matched the nation-loving spirit that he possessed and that he demonstrated,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
Nanawagan din si Pangulong Marcos sa mga young leader at opisyal ng gobyerno na tularan ang values, mithiin, at pananaw ng kaniyang ama para sa Pilipinas at sa sambayanang Pilipino.
Kasama sa dumalo sa event sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Cong. Sandro Marcos, Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc at iba pang opisyal.
Inilabas ng Malacañang ang Proclamation No. 327, na nagdedeklara sa Setyembre 11 bilang isang special non-working day sa Ilocos Norte, upang markahan ang anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulo.
Si Ferdinand Edralin Marcos, ang ama ni Pangulong Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte.
Pagkatapos ng wreath-laying ceremony, ay nakiisa naman ang Pangulo sa itinampok na mga lutuing bahay mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Ilocos Norte para sa Natnateng Cook-Off Showdown na nagtatampok ng local vegetable dishes at iba pang mga delicacy ng lalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang.
“Bagong Pilipinas” governance tagline na may mukha ni PBBM, itinampok sa 2023 Rice Paddy Art
Samantala, pagkatapos ng Marcos Day celebration, ay dinaluhan naman ni Pangulong Marcos ang opisyal na paglulunsad ng 2023 Mariano Marcos State University – Philippine Rice Research Institute (MMSU-PhilRice) Rice Paddy Art sa MMSU Campus sa Batac, Ilocos Norte.
Tampok mismo si Pangulong Marcos sa rice Paddy Art ngayong taon at ang ‘Bagong Pilipinas’ tagline ng administrasyon na naglalayong suportahan ang layunin ng pamahalaan na makamit ang food security at pagpapabuti ng sektor ng agrikultura.
Ang proyektong ito na itinatag noong 2018 ay isang kolaborasyon ng MMSU at PhilRice na ginagawa taon-taon bilang pagpupugay sa mga huwarang Pilipino na nag-ambag sa pag-unlad ng agrikultura at sa nation-building.
“And through this partnership, the nation has also seen the novel rice production systems and technologies that we can pursue in the years to come,” ayon sa Pangulo.
Itinataguyod ng Rice Paddy Art Project ang agri-tourism at nagpapakita ng iba’t ibang teknolohiya sa produksiyon ng bigas sa lalawigan.
Pagkuha ng mga bagong teknolohiya para sa isang matatag na suplay ng bigas, ipinangako ni PBBM
Samantala, ipinangako ni Pangulong Marcos na i-maximize ang paggamit ng bagong teknolohiya upang matiyak ang isang matatag na suplay ng bigas sa Pilipinas na naa-access at abot-kaya ng mga Pilipino.
Sa kaniyang talumpati sa paglulunsad ng 2023 MMSU-PhilRice Rice Paddy Art, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagkuha ng bagong teknolohiya mula sa laboratoryo patungo sa palayan.
Ani Pangulong Marcos, ang gobyerno ang bubuo ng mga teknolohiyang kinakailangan para sa produktibidad ng agrikultura ng bansa at trabaho aniya ng gobyerno na dalhin ngayon ang mga bagong produkto sa merkado.
“I say we in terms of the Department of Agriculture. ‘Yan ang gagawin ngayon ng DA na kukunin ang pinakamagagandang teknolohiya, lalo ngayon technologies become so important – the new technologies have become so important because of climate change,” aniya.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangang pataasin ang produksiyon ng bigas sa Pilipinas upang matugunan ang presyo ng bigas sa merkado.
Ang Mariano Marcos State University (MMSU) ang unang state university na ipinatayo ng kaniyang ama na si Former President Marcos Sr.
“It was his life-long dream to build a good university [applause] for our people here in Ilocos Norte. And from those beginnings, the research that has come out of MMSU has been exemplary. Of course, added to that, we have also PhilRice, the PhilRice offices are also here in Batac,” pagwawakas ng Pangulo.