13th-month pay para sa JO at kontraktwal, isinulong ni Sen. Mark Villar

13th-month pay para sa JO at kontraktwal, isinulong ni Sen. Mark Villar

ISINULONG ni Senator Mark A. Villar ang Senate Bill No. 1528 o ang 13th Month Pay Law for Contractual and Job Order Personnel na naglalayon mabigyan ng benepisyo ang lahat ng mga manggagawa sa gobyerno.

“Contractual workers (COS) and job order (JO) personnel play a vital role in government service. They fulfill their duties diligently and passionately comparable to permanent government employees. Notwithstanding, they are not entitled to mid-year and year-end bonuses, such as the 13th-month pay, among other benefits,” saad ni Sen. Villar sa explanatory note.

Ang mga JOs at kontraktwal sa pamahalaan ay hindi nakatatanggap ng benepisyo tulad ng mid-year at year-end-bonus na natatanggap ng mga regular o permanenteng empleyado sa pamahalaan.

“Sa aking panunungkulan bilang kalihim ng DPWH, nakita ko na ang pangangailangan na ito ng mga empleyado. Kaya ngayon bilang senador, naghain ako ng panukalang batas na nagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa natin sa pambansa at lokal na gobyerno,” diin ni Villar.

Sa ilalim ng panukalang batas, layon nito na mabigyan ng 13th-month pay ang lahat ng mga kawani ng gobyerno anuman ang estado ng kanilang trabaho.

“In light of the persistent rise in the inflation rate, which led to an extraordinary increase in prices of food, fuel, and other commodities, Filipino workers, including contractual and job order personnel of the government face greater hardships in their lives. Contractual and job order personnel lack security of tenure,” dagdag nito.

Binigyan-diin ni Sen. Mark na base sa Senate Bill No. 1528, ang minimum na maaaring makuha para sa mga JO at kontraktwal ay hindi bababa sa kalahati ng kanilang buwanang kita.

“Ang pagpasa ng naturang panukala ay dapat gawing prayoridad habang may natitira pang panahon. Ito ay upang masuklian ang hindi matatawarang kontribusyon at serbisyo ng mga JO sa ating pamahalaan. Munting pasasalamat lamang sa kanilang sipag, sakripisyo at pagsisiguro na naibibigay ng gobyerno ang mga programa sa mga kababayan natin sa buong taon,” aniya ni Villar.

Nakaakma ang panukalang batas na ito base sa inilabas kamakailan na Joint Circular No. 2 ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) na nagpapalawig ng serbisyo ng mga JO at COS sa pamahalaan hanggang Disyembre 2024.

Tinatayang nasa 642,000 na mga hindi permanenteng empleyado ng gobyerno ang maaaring makatanggap kung maipasa sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter