15 anyos na dalagita, nawawala sa Pasig; pamilya humihingi ng tulong

15 anyos na dalagita, nawawala sa Pasig; pamilya humihingi ng tulong

Humihingi ng tulong ang pamilya at mga awtoridad upang mahanap ang 15 anyos na si Isabelle Sophia Tablate na apat na araw nang nawawala sa Pasig City.

Ayon sa kaniyang ama, huli nitong nakausap ang dalagita noong hapon ng Marso 18 habang pauwi mula sa paaralan sa Quezon City.

Base sa impormasyon, huling nakasama ng dalagita ang kaniyang kaibigan at naghiwalay sila bandang alas-5 ng hapon sa LRT Santolan Station.

Nakita rin umano ang dalagita sa Santolan Bridge papuntang SM Marikina, suot ang kulay abong spaghetti strap na damit, maong na pantalon, at puting sapatos.

Patuloy ang isinasagawang backtracking at imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton ang kinaroroonan ng dalagita, habang umaasa ang pamilya sa tulong ng publiko para sa anumang impormasyon na makatutulong sa agarang pagkakita nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble