Alex Eala pasok na sa round of 16 sa Miami Open

Alex Eala pasok na sa round of 16 sa Miami Open

Pasok na sa round of 16 ng nagpapatuloy na Miami Open sa Women’s Tennis Association (WTA) ang Pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala.

Ito ay matapos nitong talunin sa round of 32 si Magda Linette ng Poland sa straight sets na 6-3, 7-6.

Naging maganda ang performance ni Eala at napanatili nito ang kaniyang composure sa gitna ng mahigpit na laban kontra sa World No. 50 na si Linette.

Susunod namang makakalaban ni Eala ang right-handed player na si Karolina Muchova ng Czech Republic, na kasalukuyang nasa World No. 14.

Inaasahan ng mga tennis enthusiasts na magiging kapana-panabik ang laban dahil sa patuloy na pag-improve ng performance ng Pinay tennis star.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa World No. 29 si Eala, na tinaguriang “baby face assassin” sa mundo ng tennis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble