LAGPAS 6:00 ng umaga ng Miyerkules nang nagkaroon ng sunog sa residential at commercial building ng mga Muslim sa Brgy. 384, Globo de Oro St, Quiapo, Manila.
Ayon pa sa BFP Manila, nasa 30 pamilya ang apektado ng sunog.
Pagdating naman sa Manila Department of Social Work, tinatayang nasa mahigit 100 pamilya ang apektado.
Agad na nakalabas ang mga residente sa gusali kahit pa natutulog pa sila nang nangyari ang sunog.
Ayon sa Bureau of Fire and Protection (BFP), walang namatay ngunit may isang sibilyang na injured dahil sa sunog.
Ang mga apektadong pamilya, pansamantalang ititira sa evacuation center ayon sa Manila LGU at pagkalooban ng financial assistance na nagkakahalaga ng 10,000 kada pamilya.
Habang nasa evacuation ang mga nasunugan ay magkaroon din ng rasyon ng pagkain.