18 katao, sugatan sa sunog sa Bocaue, Bulacan

18 katao, sugatan sa sunog sa Bocaue, Bulacan

SUGATAN ang nasa 18 katao sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Bocaue Bulacan.

Nangyari ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Bundukan, Bocaue Bulakan at inaalam pa ng awtoridad kung bakit madaming paputok sa isa sa mga nasunog na bahay.

Bukod sa natupok na bahay, nasira din ng sunog at pagsabog ang sasakyang naka-park sa lugar.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter