Dumaguete City, naitala na ang unang kaso ng ASF

Dumaguete City, naitala na ang unang kaso ng ASF

NAITALA ng Dumaguete City ang una nitong kaso ng African swine fever (ASF).

Sinimulan nang bantayan ng lokal na pamahalaan at mga opisyal ng agrikultura ang mga baboy sa mga komunidad.

Nag-isyu si Mayor Felipe Antonio Remollo ng Executive Order No.8 upang itigil ang pagpasok at paglabas ng buhay na baboy at pork products sa Brgy. Cadawinonan kung saan namatay ang mga baboy dahil sa ASF.

Ipinag-utos din ni Remolo ang agarang pagkatay sa mga baboy na nakapaloob sa 500-meter radius ng pinangyarihan ng impeksiyon upang mapigilan ang posibleng pagkalat pa ng nakahahawang ASF.

Matatandaan na noong nakaraang buwan nang maitala ng Negros Oriental ang una nitong kaso ng ASF sa Brgy. Maayong Tubig sa bayan ng Dauin kung saan 265 na baboy ang kinatay upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa iba pang lugar ng probinsiya kabilang na ang capital city ng Dumaguete.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter