2 kompanya mula Japan planong palawakin ang operasyon sa bansa

2 kompanya mula Japan planong palawakin ang operasyon sa bansa

NAGPAPLANO ang dalawang kompanya mula Japan na palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ang mga kompanyang ito ay ang Kawamura Electric Inc. at FRP Services & Company Japan.

Naniniwala ang PEZA na ang pagpapalawak ng operasyon ng dalawang kompanya ay makakatulong sa pagpapalakas ng lokal na industriya ng kuryente at pagmamanupaktura.

Sa kasalukuyan, mayroong 800 kompanya mula Japan na matatagpuan sa mga economic zone sa ilalim ng pamamahala ng PEZA.

Nagbibigay ito ng direktang trabaho sa mahigit 343,000 Pilipino at lumilikha ng higit P500 bilyong halaga ng pamumuhunan sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble