2 paaralan sa Zambales, ipinagpaliban ang unang linggo ng face-to-face classes

2 paaralan sa Zambales, ipinagpaliban ang unang linggo ng face-to-face classes

HINDI tuloy ngayong araw ang pagbubukas ng face-to-face classes sa dalawang pampublikong paaralan sa Zambales.

Kabilang sa mga nasabing paaralan ang Banawen Elementary School (BES) sa San Felipe at San Marcelino National High School (SMNHS) sa San Marcelino, Zambales.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Field Operations Malcolm Garma, humiling ang dalawang paaralan na magbukas na lamang ng face to face classes sa susunod na linggo.

Sinabi ni Garma na ito ay dahil sa pagpositibo sa antigen test ng ilang guro bago ang pagsisimula ng klase at naghihintay pa ng confirmatory test results.

Sa kabila ng pagpapaliban ng pagbubukas ng klase ng dalawang paaralan, sinabi ni Garma na tuloy ang pasok sa walo pang paaralan na nakatakdang magbukas ngayong araw.

BASAHIN: Pagpapatupad ng COVID-19 protocols sa face-to-face classes dapat higpitan -Gatchalian

SMNI NEWS