Oil price rollback, muling ipapatupad ng mga kumpanya ng langis bukas

Oil price rollback, muling ipapatupad ng mga kumpanya ng langis bukas

MULING magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis, simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng kumpanyang Pilipinas Shell at Seaoil, nasa 90 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at 10 sentimos sa kada litro ng kanilang kerosene.

Habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.

May kapareho ring price adjustment sa gasolina ang Cleanfuel at Petro gazz.

Pawang epektibo ang oil price rollback ng alas 6:00 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na alas 8:01 ng umaga.

SMNI NEWS