MATATANGGAP na ng minimum wage earners sa Central Luzon ang second tranche ng kanilang wage increase ngayong taon.
Ito’y dahil epektibo na nitong January 1, 2023 ang nakasaad sa Wage Order No. RBIII-23 na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board noong June 2022.
Ang second tranche ng daily pay hike ay katumbas ng P10 na pagtaas ng sahod.
Matatandaang batay sa Wage Order No. RBIII-23, kailangang magkaroon ng umento ang sahod ng daily minimum wage workers sa mga pampribadong establisyimento sa Central Luzon ng aabot sa P40.
Ang P30 na umento ay naipatupad na noong June 20, 2022 kung kaya’t ang P10 na lang ang ipatutupad ngayong January 2023.
Saklaw ng naturang umento sa sahod ang lahat na empleyado ng pampribadong establisyimento kahit anuman ang posisyon nito sa trabaho.
