3 rebelde, kabilang ang isang minor, napatay sa isang engkwentro

3 rebelde, kabilang ang isang minor, napatay sa isang engkwentro

KABILANG sa tatlong miyembro ng rebelde ng New People’s Army (NPA) ang menor de edad na napatay habang ang isa pang menor de edad ay na-rescue sa isa pang operasyon ng mga militar sa Agusan del Sur at Surigao del Sur.

Ang unang engkwentro ay nangyari noong ika-14 ng Hunyo, noong ang mga pwersa ng gobyerno ay nag-responde sa kanilang nakuhang impormasyon kaugnay sa mga armadong lalaki na naghahanap ng makakain sa Sitio Tibog sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Walang napatay sa unang engkwentro, ngunit ang isang menor de edad na rebelde ang na-rescue ayon kay Lieutenant Colonel Benedict Harvey Gernale, Commander ng Army’s 3rd Special Forces Battalion.

Samantala, naganap ang pangalawang engkwentro noong Hunyo 15, kung saan napatay ang tatlong rebelde, dalawang lalaki at isang babae, Isa dito ay menor de edad sa Sitio New Decoy, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Ang mga ito ay pawang miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee.

SMNI NEWS