56 armas na isinuko ng mga dating miyembro ng CTG sa Samar, sinira

56 armas na isinuko ng mga dating miyembro ng CTG sa Samar, sinira

PINANGUNAHAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos, Jr. ang dimilitarization sa 56 armas ng mga dating miyembro ng communist terrorist group (CTG) o CPP-NPA-NDF sa rehiyon ng Samar.

Kasabay ito ng ginawang pagpupulong ng mga kinatawan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), local government units (LGUs) at national government officials.

Bukod sa pagsira sa nasabing mga armas ay ang pamamahagi rin ng tulong pinansiyal at ayuda sa 35 FRs ng Northern Samar at 16 FRs ng Eastern Samar na nagkakahalaga ng P2.9-M sa kabuuan sa ilalim ng E-CLIP program.

Umaasa ang pamahalaan sa tuluy-tuloy at unti-unting pagbabago ng mga komunidad sa bansa tungo sa hangad na kapayapaan mula sa kamay ng mapanlinlang na CPP-NPA-NDF sa bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter