6 kompanya, nagpapakita ng indikasyon ng ‘Ponzi scheme’

6 kompanya, nagpapakita ng indikasyon ng ‘Ponzi scheme’

INILABAS ng Securities and Exchange Commission (SEC)  ang anim na kompanya na umano’y nagpapakita ng indikasyon ng isang ‘Ponzi scheme’.

Sa ilalim ng Ponzi scheme, pinapangakuan ng kompanya ang isang investor ng mabilis at malaking kita.

Pero ang ibinabayad lang din aniya sa investor ay ang perang nagmumula rin sa kontribusyon ng mga sumusunod pang investor.

Hanggang sa hahantong ito na hindi na mababayaran pa ang mga nahuling investor.

Dahil dito, binalaan ng SEC ang publiko na mag-invest sa mga kompanyang Foto Trading International, Harvest CT Mall, Crypace Limited/ Crypace Financial Consultancy Services, DNKC Corporation, Gainz Philippines at S&M Ventures.

Ayon sa SEC, ang nabanggit na mga kompanya ay nag-aalok at nangangalap mula sa publiko ng investment.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble