DADAMI pa ang magiging child beneficiaries ng itinayong Project Ngiti Foundation Inc. ng actor-singer na si Ronnie Liang.
Sa anunsiyo ni Liang, magkakaroon ng karagdagang 1-K benepisyaryo ang naturang project na tumututok sa pagpapa-surgery ng mga kabataang may lip at cleft palate conditions.
Sa ngayon ay halos 1-K na ang natulungan ni Liang.
Nag-umpisa ang foundation noong 2022 at opisyal itong nairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) nitong Pebrero 2023.
Maliban sa proyektong ito ni Ronnie, tumutulong na rin siya sa mga kabataang may cancer sa loob ng 15 taon.
