NAGTIPON-tipon at nagkaisa ang 78 Peoples Organization leader sa lalawigan ng Cagayan katuwang ang Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan (SAMBAYANAN) na ginanap sa Brgy. Bangag Lal-lo, Cagayan upang itakwil ang communist terrorist groups (CTGs) sa kanayunan.
Ito’y upang isulong ang adbokasiyang pinaglalaban ng pamahalaan na itakwil ang communist terrorist groups (CTGs) sa kanayunan.
Ang nasabing aktibidad ay sa pamamagitan ng Provincial Task Force-ELCAC, kasundaluhan ng 17IB at Bravo Company ng Civil Military Operations Battalion.
Personal na dumalo si Cagayan Governor Manuel N. Mamba maging ang Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade Brig. Gen. Eugene M. Mata at ang Battalion Commanding Officer ng 17IB na si Lt. Col. Oliver C. Logan para saksihan ang pagpupulong ng mga opisyal ng PO na mula sa tatlong distrito ng Cagayan.
Sa mensahe ni Governor Mamba, suportado ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga planong gagawin ng SAMBAYANAN Cagayan Chapter lalo na sa pagbibigay ng tulong sa mga gustong magbalik-loob sa pamahalaan, sa layuning makamtan ang katahimikan sa lugar na kaniyang pinamumunuan.
