800 taong gulang na mga bangkay ng sinaunang tao, nahukay sa Peru

800 taong gulang na mga bangkay ng sinaunang tao, nahukay sa Peru

NAHUKAY sa Peru ang 8 na katawan ng 800 taong gulang na bangkay ng sinaunang tao na nanirahan sa bansa.

Mula sa timog kanluran ng Lima nahukay ang mga bangkay ng sinaunang tao mula 60 kilometro, ng mga gas pipe workers at sinasabing nanirahan ang 8 na bangkay sa sinaunang bayan ng Chilca.

“It is an important find that gives us more information about the pre-Hispanic history of Chilca,”ayon sa isang researcher sa kanilang bansa.

Ayon naman kay Cecilia Camargo, isang archaeologist, nahukay ang walong katawan ng mga nakatatanda at mga bata na nakabalot sa isang-uri ng materyal na gawa sa halaman.

Kasama sa mga nahukay na katawan ay ang mais, mga plato, at ilang variety ng musical instruments isa na rito ang flute.

Dagdag pa rito ay napag-alaman din ang ilan sa mga bangkay na may kasamang shells sa ulunan at bag na pinaglalagyan ng dahon ng coca na karaniwang nginunguya ng mga sinaunang tao.

Sa pagsisiyasat pinatay sila ng mga Chimu, na ang kultura ay nangibabaw sa hilagang baybayin ng Peru sa pagitan ng ika-13 at ika-15 na siglo bago ang pagdating ng Inca.

Samantala, maaalalang noong taong 2018 ay nakahukay din ang ilang manggagawa ng parehong gas company ng 30 katawan ng mga sinaunang tao.

SMNI NEWS