ISASAGAWA ala una ng hapon ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang 9th Manila International Dialogue on Human Trafficking.
Gaganapin ito sa Rizal Park Hotel sa Manila at dadalo ang iba’t ibang representatives ng gobyerno, civil society leaders maging ilang dignitaries mula sa iba’t ibang bansa.
Layunin nito ang mapatatag ang international cooperation at makabuo ng mga estratehiya na susugpo sa human trafficking.
Tutukan dito ayon sa DOJ ang mga hamon ng iba’t ibang grupo.
Ipakikilala rin sa pagpupulong na ito ang ad hoc technical working group na tutugon sa mga isyu kaugnay sa human trafficking.