AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner, bibisita sa AFP WESCOM ngayong araw

AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner, bibisita sa AFP WESCOM ngayong araw

MAGSASAGAWA ng command visit si AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. sa AFP Western Command (WESCOM) sa Puerto Princesa City, Palawan ngayong araw.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Lieutenant Colonel Enrique Gil Ileto na ito ang unang pagbisita ni General Brawner sa WESCOM bilang pinuno ng Sandatahang Lakas.

Ayon kay Ileto, layunin ng pagbisita ni General Brawner na personal na tingnan ang kondisyon ng mga sundalo at alamin ang kanilang mga pangangailangan.

Magsasagawa rin si General Brawner ng command briefing sa mga opisyal ng WESCOM at talk to troops.

Habang magkakaroon din ng tree planting kasama ang iba pang opisyal ng militar.

Nabatid na ang pagbisita ni Brawner ay mangyayari matapos ang pagharang ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng militar sa Ayungin Shoal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble