Magbabalik sa Pilipinas ang sikat na soft rock duo na Air Supply para sa kanilang “A Matter of Time” tour na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Oktubre 26.
Ito ay inanunsiyo ng local promoter na Steve O Neal Concerts, kung saan muling sasariwain ng grupo ang kanilang mga klasikong kanta tulad ng “Making love out of nothing at all” at “All out of love.”
Magsisimula ang bentahan ng mga tiket sa ticketnet ngayong Hunyo 8, na nagkakahalaga mula 3,736 pesos para sa general admission hanggang 14,941 pesos para sa pinakamataas na kategorya.
