Andreeva, umusad sa semifinals matapos talunin si Sabalenka

Andreeva, umusad sa semifinals matapos talunin si Sabalenka

Umusad sa semifinals ng WTA Finals si Mirra Andreeva matapos talunin ang world No. 2 na si Aryna Sabalenka.

Tinalo ni Andreeva si Sabalenka sa straight sets, 6-4, 6-0, matapos makabawi mula sa 1-4 na pagkakaiwan sa unang set.

Nakapagtala siya ng 11 sunod na games upang tuluyang kontrolin ang laban at selyuhan ang panalo sa loob ng 62 minuto.

Unang pagsabak ito ng 19-anyos na si Andreeva sa WTA Finals singles competition. Tatlong titulo ang nakuha niya ngayong taon, kabilang ang kaniyang unang French Open championship.

Samantala, nanatiling buhay ang semifinal hopes ni Elina Svitolina matapos talunin si Karolina Muchova, 3-6, 6-2, 6-2.

Dahil sa ikalawang pagkatalo, eliminated na si Muchova. May tsansa pa si Sabalenka na umusad, ngunit kailangan niyang talunin si Svitolina sa huling round-robin match sa Biyernes.

Follow SMNI NEWS in Twitter