Mafy Singson target muling makuha ang kampeonato sa Anvaya Cove

Mafy Singson target muling makuha ang kampeonato sa Anvaya Cove

Umaasa si Mafy Singson na makabawi ngayong season at maipagtanggol ang kaniyang titulo sa ICTSI Anvaya Cove Match Play Invitational sa Morong, Bataan.

Naging mahirap ang season para kay Singson matapos hindi makakuha ng titulo sa walong torneo ng Ladies Philippine Golf Tour. Ikalawang puwesto sa Caliraya Springs ang pinakamataas niyang pagtatapos ngayong taon.

Gayunman, umaasa siyang makabawi sa match play format, kung saan nagkampeon siya noong nakaraang taon matapos talunin sina Daniella Uy sa semifinals at Martina Miñoza sa championship match, 6-5.

Sa unang round ngayong taon, makakaharap ni Singson si Sarah Ababa. Magtatapat naman sina Yvon Bisera at Angela Mangana, gayundin sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda.

May 16 na manlalaro ang maglalaban para sa titulo at bahagi ng ₱1.5 million na premyo.

Sa match play, bawat butas ang labanan kaya mahalaga ang diskarte at kakayahang makabawi.

Follow SMNI NEWS in Twitter