ARTA, posibleng imbestigahan ang PSA dahil sa mabagal na pagproseso ng National ID

ARTA, posibleng imbestigahan ang PSA dahil sa mabagal na pagproseso ng National ID

NAGBABALA ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa mabagal na pagproseso ng National identification card ng mga Pilipino.

Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, dapat nang madaliin ng PSA ang rollout nito dahil halos mag-iisang taon nang naghihintay ang mga Pilipino ng kanilang National ID.

Aniya, maging siya at ang kanyang pamilya ay higit isang taon na rin nag-aabang na makatanggap nito.

Sa katunayan, iba’t ibang reklamo na ang kanilang natanggap mula sa mga Pilipino ukol dito.

Kaya naman, nanawagan ito sa PSA na solusyunan ito, aniya hindi sila magdadalawang isip na ipatawag ito, at imbestigahan.

Dagdag ni Perez na sinabi ng DICT na tinutulungan na nila ang PSA para ma-fast track ang pag-isyu ng National ID.

Gayunman, nangako ang ARTA sa kanilang mandato na bubusiin ang pagproseso ng mga dokumento hindi lamang sa PSA maging sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Ipinunto pa ng kalihim ang kanilang mandato na huhulihin ang sinumang kawani ng opisyal na gumagawa ng red tape sa ahensya.

Kumpyansa ito na maayos ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang serbisyo partikular na ang PSA.

 

Follow SMNI News on Twitter