ASEAN navies, nagsagawa ng fleet review; 2 barko ng PH Navy, bumida

ASEAN navies, nagsagawa ng fleet review; 2 barko ng PH Navy, bumida

PINANGUNAHAN ni Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr. ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Fleet Review sa Subic, Zambales.

Ito ay may tema na “Synergy at Sea: Regional Cohesion for Peace and Stability.”

Kasama ni Galvez sa fleet review sina AFP Chief of Staff General Andres Centino at Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr.

Lumahok sa fleet review ang dalawang barko ng Philippine Navy na BRP Antonio Luna (FF151) at BRP Andres Bonifacio (PS17) gayundin ang mga barko ng Royal Singapore Navy, Indonesian Navy, Royal Malaysian Navy, Royal Thai Navy, Royal Brunei Navy at Vietnam People’s Navy.

Habang nagpadala naman ng kinatawan ang Cambodia, Myanmar, at Lao People’s Democratic Republic bilang observers.

Ayon kay Galvez, ang aktibidad ay hindi “show of force” ngunit pagpapakita ng ASEAN centrality at pagkakaisa ng mga bansa sa rehiyon lalo’t isinusulong nila ang rule-based at safe maritime operations.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter