Imelda Bridge sa Parañaque City, pansamantalang isinara –LRMC

Imelda Bridge sa Parañaque City, pansamantalang isinara –LRMC

ISINARA ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang Imelda Bridge northbound area sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue sa Parañaque City.

Sa Facebook post ng LRMC, pansamantalang isinara nitong Lunes ang naturang lugar at hanggang sa Nobyembre 10.

Ito ay para bigyang-daan ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project.

Humingi naman ng paunmanhin ang LRMC sa abala, at pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa posibleng pagsisikip ng sasakyan.

Ang bahagi ng Cavite Extension ng LRT-1 ay palalawakin ang linya ng riles ng 11.7-kilometro mula sa kasalukuyang Baclaran Station hanggang Bacoor, Cavite.

 

Follow SMNI News on Twitter