PANALO ang Petro Gazz Angels kontra Chery Tiggo Crossovers sa iskor na 20-25, 20-25, 25-23, 25-15, at 15-7.
Si Myla ‘Bagyong Pablo’ ang Player of the Game matapos nag-ambag ng 18 points, 15 attacks at 3 blocks para sa Angels.
Sa PVL standings, nangunguna ngayon ang Petro Gazz.
Samantala, panalo ang Creamline Cool Smashers sa game nila kontra Capital1 Solar Spikers sa iskor na 25-19, 25-19 at 25-18.
Player of the game si Kyle Negrito ng Cool Smashers para sa kaniyang 14 excellent sets.
Pabor naman sa Cignal HD Spikers ang laban nila kontra Galeries Tower Highrisers sa iskor na 25-19, 25-20 at 25-17.
Si Dawn Macandili-Catindig ang Player of the Game ng HD Spikers para sa kaniyang 19 excellent digs at 4 excellent receptions.
Sa nagpapatuloy na preliminary round ng PVL All-Filipino Conference, Akari Chargers at Nxled Chameleons ang maglalaban-laban sa Enero 23, 4 PM.
Susundan ito ng Choco Mucho Flying Titans at PLDT High Speed Hitters, 6:30 PM.
Follow SMNI News on Rumble